Matapos sabihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Pangulong Bongbong Marcos, sinabihan naman niya itong ‘bangag’ at ‘drug addict.’
Matatandaang naunang isiniwalat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasama raw sa drug watchlist ng PDEA si Marcos.
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM
Itinanggi naman ng PDEA na kasama sa drug watchlist si PBBM.
MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM
Sa kaniyang speech sa sa “Hakbang ng Mausig Leaders Forum” prayer rally na ginanap sa Davao City nitong Linggo, Enero 28. Sinabi ni Duterte na kaya patuloy umano na itinutulak ang People’s Initiative (PI) ay para palakasin umano ang kapangyarihan ng mga Marcos.
"Huwag kayo magpaloko. Alam mo, parliament, ang bisyo niyan, karamihan galing kay [First Lady] Liza Marcos, pati kay [House Speaker Martin] Romualdez,” anang dating pangulo.
“Si Bongbong, bangag ‘yan. That’s why sinasabi ko na sa inyo ngayon, si Bongbong Marcos bangag noon, ngayong presidente na, bangag ang ating presidente,” tirada pa ni Duterte.
“Kayong mga military, alam ninyo 'yan. Lalo na 'yong nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, put*in*ng iyan.”
“Bakit ako nagkaroon ng kaso [sa] ICC? Sabi nila, pinagpapatay ko raw ‘yong mga drug pusher at drug addict. Mabuti na lang, wala na ako sa puwesto baka kasali ka pa,” pahayag pa ng dating pangulo.
“Mr. President, pinilit ninyo kami. You are testing the waters. You are pushing the limits ng mga Pilipino. Huwag na huwag mong gawin ‘yan. Huwag mong gawin ‘yan, huwag mong ituloy ‘yan dahil magkakagulo…”
Mga Kaugnay na Balita:
PBBM sa posibleng pagbabalik ng ‘Pinas sa ICC: ‘That’s under study’
ICC, ibinasura apela ng ‘Pinas na ihinto ang imbestigasyon sa ‘drug war’ ni Duterte
https://balita.net.ph/2023/07/18/icc-ibinasura-apela-ng-pinas-na-ihinto-ang-imbestigasyon-sa-drug-war-ni-duterte/