Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes ang mga opisyal at kawani ng Manila City Government na isapuso ang mga mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa idinaos na kick-off rally ng "Bagong Pilipinas" sa Quirino Grandstand nitong Linggo.

“Sana po ay isapuso natin ang mga nabanggit ng ating Pangulo," panawagan pa ni Lacuna, na kabilang sa mga lumahok sa kick-off rally, kasama ang iba pang mga government officials.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Partikular na tinukoy ni Lacuna ang pahayag ng pangulo para sa mga government workers na, "Bawal ang tamad at makupad... wala dapat mabagal at sagabal sa serbisyo... palitan ang sungit ng ngiti ...we are servants of the people and we are not the lord."

Maki-Balita: PBBM: ‘Bawal ang tamad sa pamahalaan’

"Mga binanggit ng ating Pangulo na satingin ko ay akmang-akma sa araw-araw nating ginagawa sa ating lungsod, particularly sa ating mga kawani," anang alkalde.

Sinabi pa ng lady mayor na siya ay naniniwalang ang positibong pagbabago ay dapat na magmula sa pamahalaan, kapwa sa nasyonal at lalo na sa lokal.

Pahayag pa niya, ang mga paalala na inisyu ni Pang. Marcos ay siya ring panawagan niya sa mga Manila government workers na palagiang obserbahan, sa pagdaraos ng flag-raising ceremony tuwing Lunes ng umaga.

Bilang karagdagan, binigyang-diin ni Lacuna na ang magiging mas episyente ang uri ng serbisyo na ipinagkakaloob sa mga mamamayan, kung mas mabilis itong isinasagawa ng may positibong pananaw.

"Mas epektibo tayo kung mabilis na maipaparating ang mga programa, proyekto at serbisyo sa ating mga kababayang Manilenyo. Pag maganda ang disposisyon paggising sa umaga, buong araw na mas maganda ang pakikitungo sa lahat ng iyong makakaharap," aniya pa.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng palagiang pagbibigay ng serbisyo ng may ngiti sa mga labi.

"Sana po ay isapuso natin ang mga nabanggit niya (President Marcos)... ito rin ang lagi nating sinusumpaan tuwing unang Lunes ng bawat buwan.  Gaya ng lagi kong sinasabi na maliban sa kani-kaniyang pamilya, umaasa sa atin ang ating mga kababayan at higit sa lahat, ang ating mga kapwa taga-Maynila," dagdag pa ng alkalde.