Usap-usapan ang X post ng actress na si Agot Isidro na tila "frustrated" at napabuntong-hininga na lamang sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Aniya sa kaniyang X post nitong Enero 29 ng umaga, "Haaaay, Pilipinas. 🙄"
https://twitter.com/agot_isidro/status/1751742495485305094
Si Agot ay kilalang vocal sa kaniyang mga reaksiyon, opinyon, at saloobin patungkol sa pamahalaan.
Siya rin ay isang Kakampink o tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo, na tumakbo sa 2022 Presidential Elections subalit nabigo matapos manalo ng kasalukuyang pangulo na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na bagama't wala namang binanggit ang aktres kung bakit napa-react nang ganoon, ay idinikit na nila patungkol sa mga nangyayari ngayon sa pamahalaan.
"Very sad…..,,"
"Nararamdaman din po namin Ms A…"
"ramdam po namin ito, maam Agot. hahah."
"Good morning my forever love... Let's just hope for the best para sa Pilipinas! Indidvidually let's do our share para sa magandang bukas sa ating lahat... I rooted for VP Leni too. Quoting ur previous tweet when we lost - Ang hirap mong ipaglaban Pilipinas."
Matatandaang nitong Enero 28 ay naganap ang dalawang political events: ang "Bagong Pilipinas Kick-Off Party" na ginanap sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila, at ang "Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City.
Sa huling event ay binanatan nina Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM.
MAKI-BALITA: Mayor Duterte kay PBBM: ‘You are lazy and you lack compassion’
MAKI-BALITA: Davao City Mayor Duterte, pinagre-resign si PBBM
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM