Pinagdudahan umano ni Atty. Glenn Chong ang pagkapanalo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa nangyaring Presidential Elections noong Mayo 2022.
Sa ginanap na “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28, sinabi ni Chong na tila may mali umanong naganap sa nasabing eleksyon.
“But I believe Inday Sara won by her own right [...] Pero si Bongbong Marcos, I doubt it na umabot siya ng 31 million close to 32 million,” pahayag ni Chong.
“So, most likely mas mababa ang boto ni Bongbong Marcos kaysa kay Inday Sara. That is something that they cannot afford […] Kasi the people look up to Inday Sara as the true leader not the weakling Marcos,” aniya.
Dagdag pa ni Chong, alam daw ni Liza na “weakling” umano ang kaniyang asawa.
“She knows that. And she cannot afford na matanggal ang kaniyang bana because of that. So, I think ang kausap nila sa Smartmatic is iangat ang boto ni Bongbong,” saad pa niya.
Matatandaang binanggit din ni Chong na lumapit umano sa kaniya si Liza para humingi ng pabor at pinangakuan pa umano siya nito na gagawing commissioner at chairman ng Commission on Election (Comelec) pero sa huli ay “ibinenta” raw siya ng first lady.
MAKI-BALITA: FL Liza Marcos, pinangakuan daw ng posisyon sa Comelec si Atty. Glenn Chong?
Kaya sa isang bahagi ng kaniyang pananalita, binanatan ni Chong si Liza.
MAKI-BALITA: FL Liza binanatan ni Glenn Chong: ‘Kakaladkarin talaga kitang bruha ka!’