Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na sa lahat ng mga nararamdaman niya sa katawan ngayong 58 na siya naiisip niyang makipag-break na raw.

Makipag-break hindi sa kung kanino lalo na sa kaniyang mister na si Atty. Kiko Pangilinan, kundi sa mismong katawan niya!

Sey ni Sharon, bata pa lamang daw siya ay nagtatrabaho na siya, kaya siguro ngayong may edad na siya ay sinisingil na siya ng mga kung anik-anik na sakit.

Ang latest daw, parang "nainlab" na sa kaniya ang ubo at ayaw siyang tantanan. Bukod dito, may iniinda pa siyang pananakit sa kaniyang kanang tuhod at pinched nerve sa bandang baba ng kaniyang likod. May scoliosis din ang Megastar.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Kung puwede nga lang daw bumalik sa pagiging "little girl" ay gagawin niya, pero sa realidad, hindi naman puwede iyon! Kaya naman humihiling na lamang ng panalangin si Shawie na sana raw ay maisama siya sa panalangin ng kaniyang fans, supporters, at followers.

"'Never gonna grow up!' Ayoko! I’ll always be a little girl inside. Kaya huhuhu gusto ko makipag-break sa katawan kong may mga aches and pains kasi nireremind ako lagi na 58 na ako! Haaaayy… Please, if you can pray for me? I pray that the MRI results won’t be too scary. And that this virus I caught anuman siya goes away na. I miss and love you all. Just resting a bit more. Please take care and thank you for all your loving messages always. I appreciate you all so much and think of you, my IG family. Go Sharmy! God bless you all. I love you!🥰❤️🙏🏻😘🤗"

Nagpaabot naman ng mensahe sa kaniya ang TV5 news anchor na si Christine Bersola-Babao.

"Praying for you Emms. I also have pinched nerve ( lower neck-upper spine ) - cervical radiculopathy - which I thought madadaan sa masahe. After mag MRI , pinched nerve pala. Kaya pala ganun kapainful. Hindi lang simpleng massage ang solution. Ayun, nag therapy ako. Big help ang therapy. My Doc says part of aging na rin. Praying for You Emms. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻."

Maging ang dating aktres na si Beth Tamayo ay nagpaabot din ng care para kay Mega.

"Praying for you Ate!" aniya.

Pati ang netizens ay nagbuhos naman ng mensahe para sa kaniya.

"get well soon,mega..let's chase away that bad cough na ayaw humiwalay sa iyo. Praying for your good results in ur MRI. Yes to childlike always. It makes us younger and kicking❤️❤️"

"and i'm always praying for you everytime our Shawie, we always hope for your good health, i love you !! take care of yourself mama !! 💓💓🫂🫂"

"pag ppray po namin ang iyong mabilis na pag galing get well soon po ate @reallysharoncuneta 🙏❤️

"Get will soon mama always love you ❤️."

MAKI-BALITA: Dinadalahit ng ubo: Sharon, sinisingil na ng mga sakit?