Sa gitna ng kaniyang pakikiisa sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival nitong Linggo, Enero 28, hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko na alagaan ang kanilang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa kaniyang mensahe, binati ni Marcos ang mga mamamayan sa Iloilo dahil sa pagdiriwang nila ng Dinagyang Festival upang bigyang-parangal ang Sto. Niño.
“The Dinagyang Festival is a reflection of the rich and colorful mosaic that makes up all our indigenous groups, including the brave and enduring Ati people whom we also honor today,” ani Marcos.
Nanawagan din ang pangulo na magsilbing paalala nawa ang naturang pagdiriwang sa responsibilidad ng bawat isa na alagaan ang kanilang identidad.
“Let the Dinagyang Festival serve as a reminder of our collective responsibility to preserve, protect, and promote our identity in these changing times,” saad ni Marcos.
“It is through this collective effort that we ensure the continuity of the distinct way of life that binds us as one nation moving ever forward towards a brighter future,” dagdag pa niya.
Ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang sa Iloilo City tuwing ikaapat na linggo ng Enero kada taon.