Sinaluduhan ng mga netizen ang isang nanay na nagbabanat ng buto bilang isang tricycle driver, isang trabahong may "gender stereotype" na kinasanayang karaniwang ginagawa ng mga lalaki lamang.

Sa Facebook post ni Melanie Maravilla Arela sa online community na "Tricycle Group Philippines," sinabi niyang marangal ang kaniyang trabaho bilang tricycle driver kahit na nakararanas siya ng panlalait sa ibang tao na nangmamaliit sa kaniyang kita.

"Barya lang daw kinikita ko sa pag Tricycle🤭 Yes tama po kayo..☝️ Barya lang talaga kumpara sa mga naka aircon.🥶 Iba kasi ang trabaho namin kumpara sa mga pumapasok ng 8 hrs/day.! Eto ang literal na kailangan mong kumilos para kumita, 💪🏼Pag tamad ka NGA NGA ka.🥺 ," saad ni Arela sa kaniyang post.

Nanawagan ang nanay na trike driver na huwag naman sanang maliitin ng iba ang kanilang hanapbuhay. Saludo si Arela sa mga kabaro niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Naka depende sayo kung gusto mong mag ulam ng tuyo o pag uwi mo ay may bitbit kang masarap na ulam para sa pamilya mo.🤗 Kung wala kang pambili ng bigas at ulam bumyahe ka,☺️ 🤗 Kaya sa mga nang mamaliit sa ganitong trabaho.☝️ Konting RESPETO naman po Dahil di nyo din alam kung gaano kahirap bumyahe ng tirik ang araw or malakas ang ulan at pakipag patintero sa malalaking sasakyan sa kalsada maihatid lang kayo sa inyong pupuntahan. ☝️"

"Kaya sa mga tropang Tricycle Driver dyan. BIG SALUTE sa inyo. Habaan natin ang pasensya natin sa mga taong mapang mata at mapang husga. Mahalin natin ang trabahong nagbibigay satin ng masaganang pagkain sa lamesa ☺️☺️," aniya.

Photo courtesy:
Melanie Maravilla Arela via Tricycle Group Philippines (FB)

Photo courtesy:
Melanie Maravilla Arela via Tricycle Group Philippines (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Big SALUTE po"

"Saludo po kami sa inyo, mommy!"

"saludu ako sau madam Hindi k maarte kahit trabahung lalake Yan kinakaya m, Sana all nalang mag ingat k palagi god bless"

"Ung barya kayang kumita ng 1500 sa isang araw ung ibang nasa office kya kaya kumita ng ganyan..salute sa mga toda"

"Good job po!"

"Correct ka diyan ate kaysa naman sa tumambay, nganga, at palaasa sa bigay o tulong ng mga kamag-anak."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 50k reactions, 3.3k shares, at 4.5k comments ang nabanggit na Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!