NoKor, nagpalipad ulit ng ilang cruise missiles -- South Korean army
NoKor, nagpalipad ulit ng ilang cruise missiles -- South Korean army
Nagpalipad muli ng ilang cruise missiles ang North Korea mula sa east coast ng bansa nitong Linggo, ayon sa South Korean military.
Ang hakbang ng North Korea ay isinagawa ilang araw matapos nilang subukan ang pagpapakawala ng bagong strategic cruise missile mula sa west coast.
Sa pahayag ng Joint Chiefs of Staff (JCS), pinakawalan ang mga missile ng North Korea sa karagatang bahagi ng Shinpo Port., dakong 8:00 ng umaga.
"While strengthening our monitoring and vigilance, our military has been closely coordinating with the United States to monitor additional signs of North Korea's provocations," pahayag ng JCS sa mga mamamahayag.
Ito na ang ikalawang cruise missile na pinakawalan ng North Korea ngayong taon.
Unang pinalipad ng North Korea ang Pulhwasal-3-31 patungong Yellow Sea nitong Miyerkules.
Nauna nang isinapubliko ng Pyongyang na sinubukan nilang magpakawala ng underwater nuclear attack drone bilang protesta sa joint military drills ng South Korea, United States at Japan kamakailan.