Napa-react ang aktor-rapper na si Carlos Agassi sa kumakalat na art card na katulad daw ni award-winning singer-songwriter Taylor Swift, magiging kurso na rin siya sa isang sikat na state university upang pag-aralan ang kaniyang rap songs, partikular ang "Milk Tea."

Pinasok na ni Carlos ang mundo ng musika sa pangalang "Amir of Rap."

Mababasa sa flinex niyang art card: "UP DILIMAN TO OFFER COURSE ON CARLOS AGASSI."

"The course will be called "Celebrity Studies: Agassi Rap God." UP is the latest to join academic trend of offering courses on the singer and 2023 Person of the Year since his groundbreaking 'MILK TEA' song," saad pa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Just saw this galing," komento ni Amir sa kaniyang caption.

Pero huwag itong seryosohin ha, dahil nakalagay naman sa ilalim na "SATIRE ONLY" lang ito at ginawa lamang for entertainment purposes; meaning, "kabalbalan" at katatawanan lang.

Reaksiyon at komento naman ng mga netizen:

"Sige mag eenroll na"

"Why not, mag-enroll kami haha."

"Everything is literary criticism. After all, the test of a literary piece or art is time and the sense of beauty that arouses the mind and heart making the reader, listener or audience appreciate above the plane of ordinary experience."

"Ay congrats agad!"

Matatandaang umani ng kritisismo ang mga inilalabas na rap songs ni Carlos dahil sa sensitibo nitong tema at mensahe.

Samantala, ang Taylor Swift course ay totoo naman at talagang isangelective course sa UP Diliman, at sa isang paaralan sa Dasmariñas, Cavite.