Hindi naman sa nais nating mapasama ang mga negosyo at negosyante, pero talagang kailangang isumbong at ireklamo sila kung sakaling may maengkuwentrong hindi kanais-nais sa produkto o serbisyong inialok nila, lalo na kung kompleto naman ang bayad, lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagkain.

Sino nga ba ang makalilimot sa kuwento ng isang netizen na nagngangalang Michelle Halasan, matapos siyang "maletse" sa nabiling lechon; duguan at hilaw na nga, may laman-loob pa!

Kuwento niya sa naging viral Facebook post, may nag-ooffer daw sa kaniya na taga-lugar lamang nila.

“May nag-offer sa akin dito sa amin nasa 60 kilos daw. ₱12k tapos + ₱1500 sa magle-lechon daw. Pumayag ako dahil sa bukod sa malapit lang dito, nagdadala siya sa amin dito ng mga baboy na katay para pang-ulam, regular costumer na niya kami,” sey ni Michelle ayon sa ulat.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ngunit hindi raw kinaya ni Michelle nang i-deliver na ang lechon, at hilahin na ang nakasuksok na tubong ginamit sa pagluto. Umagos daw ang dugo ng baboy mula sa loob. Nang hiwain daw ito ay talagang hilaw pa.

“Tapos nung hinati ‘yung upper part mula leeg at ulo ay may naiwan pa doon na lamang-loob na hilaw,” aniya pa.

Sa halip na itapon ay muli nilang nilechon ang baboy at tumagal umano ng anim na oras ang kanilang proseso bago ito natusta at naluto. Hindi na nagbigay pa ng update ang customer na ito kung paano bumawi ang napagbilhan sa kanila.

MAKI-BALITA: Netizen, ‘naletse’ sa nabiling lechon; duguan at hilaw na nga, may laman-loob pa!

Noong Hunyo 2021, sa kasagsagan naman ng pandemya ay naging viral ang post ni "Alique Marie" nang ibahagi niya ang natuklasang "fried tuwalya" na inorder niya sa isang sikat na fast food chain.

"Just something that frustrated me this late... Ordered chicken for my son, while I was trying to get him a bite, I found it super hard to even slice. Tried opening it up with my hands and to my surprise a deep fried towel. This is really disturbing... How the hell do you get the towel in the batter and even fry it!?!? Yung totoo?" bahagi ng kaniyang post.

Agad namang humingi ng dispensa ang pamunuan ng nabanggit na fast food chain sa Bonifacio Global City. Tiniyak nila na nagkaroon na sila ng "corrective actions" kaugnay ng insidente.

https://twitter.com/Jollibee/status/1400117208743772165?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1400117208743772165%7Ctwgr%5Effbccf0ad22aba42ac88f0a8b83dd92c2d2a46bd%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.philstar.com%2Fpilipino-star-ngayon%2Fbansa%2F2021%2F06%2F03%2F2102844%2Fdahil-sa-pritong-tuwalya-jollibee-branch-sa-taguig-3-araw-isasara

Bukod sa mismong management at social media, sa aling mga ahensya ng pamahalaan maaaring ilapit, isumbong, idulog, at ireklamo ang mga ganitong sitwasyon o tinatawag na consumer complaints?

Ayon sa Facebook post ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Abril 2021, narito ang listahan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa inyong mga consumer complaints:

Department of Agriculture (DA)- Agricultural Products

Department of Health (DOH)- Processed Food, Drugs and Cosmetics

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)- Financial Transactions

National Telecommunications Commission (NTC)- Telecommunication Services

Local Government Unit (LGU)- Regulation on Wet markets, Restaurants etc.

Civil Aeronautics Board (CAB)- Airline Services

DTI- Consumer Products and Services