Pinangakuan umano ni First Lady Liza Araneta-Marcos si Atty. Glenn Chong ng posisyon sa Commission of Elections (Comelec) bilang commissioner at chairman.
Sa ginaganap na “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28, isiniwalat ni Chong na nilapitan umano siya ni Liza para humingi ng pabor noong mag-file ng certificate of candidacy sa pagkapangulo ang asawa nitong si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“One time, after Bongbong Marcos filed his certificate of candidacy she called me to the office…’Pwede ba pumunta ka sa headquarters kahit twice a week lang?’ Sabi ko, ‘No problem. I’ll be there,’” kuwento ni Chong.
“Siya, ‘Magkano ibabayad ko sa ‘yo?’ Sabi ko, ‘No. You don't have to pay me. I’ve been helping you for six years. You didn’t pay me a single peso. Why should I collect from you now?’” aniya.
“Sabi niya, ‘Sige. Basta ‘pag nanalo tayo gagawin kitang commissioner ng Comelec para malinis ‘yong election system. Tapos gagawin kitang chairman,” dagdag pa niya.
Pero nagbago umano ang ihip ng hangin noong kasagsagan ng kampanya. Ayon kay Chong, “ibinenta” umano siya ng First Lady.
“Hindi na siya sumasagot sa aking mga text. Ineetsa-pwera na niya ako,” aniya.
Kaya sa isang bahagi ng kaniyang pananalita, binakbakan ni Chong ang First Lady.
MAKI-BALITA: FL Liza binanatan ni Glenn Chong: ‘Kakaladkarin talaga kitang bruha ka!’