Pinagbibitiw ni Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang punong ehekutibo ng bansa.

Sinabi ito ng alkalde sa “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28.

“Mr. President, kung wala kang pag-ibig at aspirations para sa iyong bansa, resign!” ani Mayor Duterte.

Ikinumpara rin ng alkalde ang sitwasyon ng pamamahala ng dati at kasalukuyang administrasyon sa bansa.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Si Mayor Duterte ay bunsong anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at kapatid ni Vice President Sara Duterte.

Matatandaang magkapartido sina Pangulong Marcos at Vice President Duterte nang lumaban sila bilang top officials ng bansa noong nakaraang taon sa ilalim ng “UniTeam.”