Naramdaman nitong Sabado, Enero 27, 2024 ng madaling araw ang pinaka-malamig na temperatura sa Baguio City.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, dakong 5:00 ng madaling araw nang maitala ang matinding lamig sa lungsod.

Ito na ang pinaka-malamig na klima sa lungsod ngayong taon.

Nitong Enero 25, 2024, naitala rin ang 12.2°C sa naturang lugar at 15.0°C nitong Biyernes.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Paliwanag ng PAGASA, nararamdaman ang lamig sa lugar dahil na rin sa umiiral na northeast monsoon o amihan.

Ang pinaka-mababang temperaturang 6.3 degrees celsius ay naitala sa Baguio noong Enero 18, 1961, ayon pa sa PAGASA.