Nakuhanan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang imahen ng Sharpless 2-106 Nebula na matatagpuan sa layong 2,000 light-years mula sa Earth.
“The Sharpless 2-106 Nebula is nearly 2,000 light-years from Earth and it stretches several light-years across,” anang NASA sa isang Instagram post.
Nakuhanan daw ang naturang larawan ng Sharpless 2-106 Nebula sa pamamagitan ng Hubble Space Telescope.
“This star-forming region looks like a celestial snow angel soaring in space,” anang NASA.
“Twin lobes of hot gas create the ‘wings’ that stretch outward from the central star against the backdrop of a cold medium. A ring of dust acting as a belt is cinching the nebula into an ‘hourglass’ shape,” dagdag pa nito.
Kamakailan lamang, nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng naganap na pagbuga ng araw ng “medium-sized solar flare.”