Tila wala namang pakialam ang aktres na si Sarah Lahbati sa mga okray ng netizen na "gastadora" at "waldasera" siya pagdating sa pera.

In fact, panay post nga siya ng mga pinagbibibili niya kagaya na lamang ng bags, shoes, at kotse, pati na rin ang mga gala niya.

Sa latest Instagram story ni Sarah, parang sinakyan na lang niya ang mga batikos na natatanggap niya kaugnay ng paggastos sa pera.

Ibinahagi nga niya ang isang art card na may mababasang "Ang sama ng pakiramdam ko. Feel ko kailangan kong gumastos."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Photo courtesy: Sarah Lahbati (IG)

Matatandaang lumutang ang isyung ito nang magbitaw ng mga pahayag ang mother-in-law na si Annabelle Rama kaugnay ng hiwalayan nila ng anak nitong si Richard Gutierrez.

Sey ni Bisaya, panay raw gastos ang "isa" samantalang ang anak niya, panay kayod sa trabaho.

Bagama't walang direktang pahayag kontra sa sinabi ng biyenan, makikita sa posts ni Sarah na wafakels siya at panay gastos nga.

Tila unbothered nga raw si Sarah at in a subtle way ay "nang-aasar" pa sa mga nagbabansag sa kaniyang "Gastadora Queen" at "Waldas Queen" daw siya. May nagtataguri pa sa kaniyang "Patron Saint of Shopping" siya.

MAKI-BALITA: Sarah nag-flex ng bagong kotse; sinabihang waldasera, gastuserang asawa

MAKI-BALITA: Sarah nag-flex ng mga gamit; sinabihang ‘Waldas pa more!’

MAKI-BALITA: Sey mo Annabelle? Sarah, nag-ayang ‘magwaldas’ sa shopping

MAKI-BALITA: Unbothered? Sarah, binansagang ‘Waldas Queen’ at ‘Patron Saint of Shopping’

Anyway, depensa naman ng mga netizen, wala namang masama sa paggastos as long as sariling perang pinagpaguran naman niya ang ginamit sa pag-shopping.