Nangulelat si House Speaker Martin Romualdez sa resulta ng isang presidential election preference survey.

Nitong Huwebes, inilabas ng WR Numero ang resulta ng kanilang survey na Philippine Public Opinion Monitor, na isinagawa noong November 24 hanggang Disyembre 24, 2023, kung saan mayroong lamang 0.8% na mga Pilipino na napupusuan si Romualdez bilang presidential bet sa darating na 2028 national elections.

Nangunguna sa naturang survey na ito si Education Secretary at Vice President Sara Duterte na may 35.6%.

Sinundan naman ito nina Senador Raffy Tulfo (22.5%), dating Bise Presidente Leni Robredo (9%) Senador Imee Marcos (6.9%), dating Senador Manny Pacquiao (5%), Senador Robin Padilla (5%), at Senador Risa Hontiveros (1.2%).  Habang ang natitirang 14.3% ay mga undecided.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

WR NUMERO/PR

MAKI-BALITA: VP Sara Duterte nangungunang presidential bet para sa 2028 elections—survey

Matatandaang iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabalak umano si Romualdez na tumakbo sa 2028 presidential elections.

MAKI-BALITA: Duterte sa pagtakbo umano ni Romualdez bilang pangulo: ‘Di ka mananalo’

Gayunman, sinabi ng house speaker na hindi umano ito ang panahon para sa politika dahil marami umanong isyu ang kinakailangang pagtuunan ng pansin sa bansa.

“I am grateful for the former President’s engagement with the political discourse, and I understand the curiosity surrounding the 2028 elections. However, I believe it is important to focus on the present challenges facing our nation. We are currently dealing with significant economic, public health, and regional issues that demand our immediate attention,” pahayag ni Romualdez.

MAKI-BALITA: Romualdez sa patutsada ni Duterte: ‘Di eleksyon ang sagot sa sikmurang gutom’