Maraming nakakapansing napapadalas daw ang pagsusuot ng maluwag na pants o kaya ay skirt ni "It's Showtime" host Vhong Navarro.

Sa Pilipinas, hindi tipikal na nakikitang nagsusuot ng skirt o palda ang isang lalaking maikokonsidera ang sarili bilang "straight."

Pero mukhang unti-unti ay binabasag na ng ilang male celebrities ang social construct na gender stereotyping patungkol sa mga kasuotan.

Isang netizen na nagngangalang "Jin Collado" ang nag-post sa isang Facebook page para sa beauty pageants ang pumuri sa paglalakas-loob ni Vhong sa kaniyang "OOTD" o Outfit of the Day na isinuot niya sa Grand Finals ng "Tawag ng Tanghalan," ang singing competition ng It's Showtime.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

"Ako lang ba ang nagulat sa ootd ni Vhong kanina? Nakakatuwa lang kasi may mga straight guys na hindi takot magpalda 😍," aniya.

Photo courtesy: Jin Collado (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing hindi lang si Vhong ang nagsusuot ng ganito, kundi ang mga miyembro ng all-male group na "SB19" gaya na lamang ni Pablo.

May mga nagsasabi namang genderless naman talaga dapat ang mga damit, at kung ang mga babae nga raw ay nagsusuot ng pantalon, it's about time na tanggapin na rin ang pagsusuot ng mga straight guy ng mga ikinategoryang "damit pambabae."

May ilang nagsabi ring hindi skirt ang suot ni Vhong kundi "Hamaka" na isinusuot ng Japanese samurais.

"Teh ang mga lalaki sa rome nakapalda, even the gladiators, literally warriors. Tas mga lalaki rin sa Ireland. Walang gender ang clothes, social construct lang lahat. Even the colors wala rin gender. Kaka fake woke niyo yan."

"Skirts are genderless, it has been like that way before we were all born. The social construct of male outfits for males and female outfits for females became prevalent during the 'industrial revolution era.' This should’ve been this way ever since. Even 'long hair for men' has been a sign of masculinity since time in memorial, men with long hair were seen as masculine (chinese, native americans, Japanese, Romans had long hair), it was even popular during the renaissance. This social construct were imposed by conquerors and colonizers to have a grip of countries they want to put a tight rope on. That’s a bit of history for you. So yes straight guys can wear skirts and long hair. Same way women can wear short hair and rock in suits and jeans."

"It's not a skirt it's a wide leg pants also known as Hakama... Originally worn by Japanese samurai.."

"Sa pinas nalng naman ang mapangHusga, paldang palda nako pero baka tWgin tayong LiwBa or bagong tuli."

"Matagal na siyang ngOOTD ng ganyan. Karamihan ata sa hosts ng IS may ini-endorse na clothing line/brand. Tsaka may mga kanya-kanyang stylists."

Samantala, hindi naman na bago kay Vhong ang ganoong OOTD. Sa birthday niya noong Enero 4, ganiyan din ang outfitan niya.

"Happy Birthday to me 2024! Thank you Mahal @t.winona @yceking and Kuya @fredrieknavarro ❤️😘 #outfitcheck," saad ni Vhong sa kaniyang Instagram post.

Kung keri naman dalhin at isuot sa publiko, why not, coconut hindi ba?