Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Enero 27, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:58 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 128 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 29 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

Bilang ng mga pro-Marcos, tumaas; bumaba naman ang mga pro-Duterte – OCTA

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.