True ba ang tsikang magsasara na raw ang isa sa mga negosyong high-end store ni Kapamilya Star Daniel Padilla, tsika ng source ni Ogie Diaz?

Ayon kasi kay Ogie sa kaniyang "Ogie Diaz Showbiz Update," nabalitaan daw niya mula sa isang source na naka-70% sale discount ang shopping store ni Daniel, at pinauubos na raw ang stocks nila.

Ang siste raw, mukhang talagang pinauubos na at hindi na kukuha ulit dahil baka magsara na raw.

“Si Daniel Padilla pala ay shareholder ng ilang branches ng The Rail shopping store and online. Mayroon siyang labing-anim na branches, ‘yong ilan doon ay kasosyo si Daniel,” anang Ogie.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Mayroon siyang solo, ito 'yong branch ay nasa UP Town (Center) at across the board, as in lahat ng stores, ay up to 70% ang discount na ibinibigay kasama diyan ‘yong pag-aaring store ni Daniel. Pero itong kay Daniel ay mukhang hindi na magre-restock, pinauubos na lang at hindi na magdadagdag ng stocks,” pagsisiwalat pa ni Ogie.

“Magsasara na ba?” sundot na tanong naman ni Mama Loi.

“’Iyon ang nakarating sa akin pero ayaw ko pa ring maniwala na magsasara, ang gusto ko lang paniwalaan for now ay up to 70% off kaya dapat samantalahin ninyo ‘yan lalo na sa fans na naniniwala pa rin kay Daniel,” sagot naman ni Ogie.

“Itanong natin sa The Rail, magsasara na ba o pinauubos lang ang mga sizes para sa mga darating na bagong design?” hanging question pa ng showbiz insider.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang The Rail o ang kampo ni Daniel Padilla patungkol dito. Matatandaang nauna nang napaulat na matagal na niyang naibenta ang sports car, at for sale na rin ang bahay sa Quezon City na regalo niya sa kaniyang inang si Karla Estrada.

MAKI-BALITA: ‘May nanalo na!’ Sino nagka-interes bumili sa sports car ni Daniel Padilla?

MAKI-BALITA: Darryl Yap, nakausap daw si Karla Estrada tungkol sa pagbebenta ng bahay