Hindi raw isang tipikal na Filipino dad ang namayapang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez ayon sa anak nitong si Janno Gibbs.

Sa latest episode ng vlog ni ABS-CBN broadcast-journalist Karen Davila noong Huwebes, Enero 25, tinanong niya si Janno kung ano raw ang itinuro ni Ronaldo na hanggang ngayon ay dala-dala nito.

“One was he always said that, sabi niya, children are some of the most oppressed people. Kasi nga ‘di ba ang usual Filipino father, kinakatakutan, stiff, hindi sweet, ‘di ba,” saad ni Janno.

“Siya, he’s the opposite of that. He’s very sweet. Touching siya. ‘I love you’ ganoon ang mga text namin. Beso-beso. Even at this age at kahit lalaki-to-lalaki, ‘di ba. So, I’m like that to my kids,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaya ang pinaka-mamimiss daw ni Janno sa kaniyang ama ngayong wala na ito ay ang kanilang morning breakfast.

“That’s our time together. Aside from eating, ‘yong kuwentuhan. And honestly, you know, man-to-man talk,” saad pa niya.

Naging emosyunal naman si Janno nang hingan siya ni Karen ng mensahe para kay Ronaldo.

Sabi niya: “I hope you’re in a better place. No pain. And thank you for loving me.”

Matatandaang pumanaw si Ronaldo noong Disyembre 2023 sa edad na 76. 

MAKI-BALITA: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na