Isa si "It's Showtime" host Anne Curtis-Heussaff sa mga nag-react sa lumabas na balitang hanggang Pebrero 26 na lamang ang pag-broadcast ng cable channel na "Sky Cable."

Ang Sky Cable Corporation, ay isang telecommunications company na subsidiary ng ABS-CBN Corporation, na nag-ooffer ng serbisyong broadband, cable at satellite television sa ilalim ng brand na Sky Cable at Sky Direct brands.

Ibinahagi ni Anne sa kaniyang X post ang balita ng ABS-CBN News tungkol dito.

"An end of another era 😞" ani Anne.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1751076057703399658

Ang balita ay may caption na "Sky Cable broadcast signing off February 26."

Maging ang mga netizen ay nalungkot din sa balitang ito.

"What is happening in the Philippines?"

"First,it was CNN Philippines, now it's SKY Cable and we're not even done with January --- damn,so Third World. 🙄"

"Cable is dead. Many are on streaming services."

"Lugi na kasi ang mga cable dahil sa internet. Online is everything na talaga."

Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagkaroon ng deal sa pagitan ng Sky Cable at PLDT, at ang serbisyo ng una ay magpopokus na lamang sa pagbibigay ng internet services. Pinayagan umano ng Philippine Competition Commission hna maibenta ng Sky Cable ang broadband business at related assets sa PLDT Inc.

Ayon pa sa Sky Cable, ang lahat ng cable TV subscribers ay hindi na sisingilin ng bayad mula Enero 27 hanggang sa katapusan ng Pebrero 26. Mananatili namang makatatanggap ng serbisyo sa internet ang Sky Fiber subscribers.