Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer hinggil sa ipinatutupad na '"no work, no pay" policy sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 9.

Sa DOLE Advisory 01, pinayuhan ng ahensya ang mga employer na bayaran nang tama ang kanilang empleyado na papasok sa trabaho sa Pebrero 9 at 10, pawang idineklara bilang special non-working days.

“On a special (non-working) day, ‘no work, no pay’ will be implemented unless the company has a policy or collective bargaining agreement that gives salary for that day,” pahayag ng ahensya.

Ipinaliwanag ng DOLE, babayaran ang isang empleyado ng karagdagang 30 porsyento ng kanyang arawang suweldo para sa unang walong oras ng trabaho nito.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

PNA