Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) ang isyu kaugnay sa hold departure order ng dating glam team ng actress at socialite na si Heart Evangelista.

Ito ay matapos lumutang ang mga ulat tungkol sa naantalang flight ng dating glam team ni Heart papuntang Dubai upang makipagkita raw sa internationally renowned fashion designer na si Mark Bumgarner at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

MAKI-BALITA: ‘Di nakalipad pa-Dubai: Heart, ginipit ba ang dating glam team?

Bukod pa rito, napabalita ring naharang umano sa airport sina Soriano at Aguilar dahil sa “white label”.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

MAKI-BALITA: Justin Soriano, Jeck Aguilar naharang sa airport dahil sa ‘white label?’

Pero ayon sa ulat ng GMA News nitong Biyernes, Enero 26, mismong DOJ ang nagsabing wala umanong inilalabas na hold departure order laban kina Justin Soriano at Jeck Aguilar, miyembro ng nasabing glam team.

“It was found that there was no derogatory record. Wala naman po siyang HDO. Wala din siyang international lookout bulletin order,” pahayag ni Justice spokesperson Mico Clavano nang usisain siya tungkol sa bagay na ito sa isang media briefing.

Nakatanggap din umano si Clavano ng mga ulat na mula umano sa panig ng Dubai ang problema.

“So ‘yong airline mismo ang nag-offload doon sa mga pasahero na ‘yon and they were advised to actually report [to] the UAE Embassy,” aniya.

Dagdag pa niya: “On the side of the Philippines, wala naman tayong problema… it was on the side of the Dubai airport and Dubai authorities na nagkaproblema.”

Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang mapabalitang nagkaroon umano ng gusot sa pagitan ni Heart at ng kaniyang dating glam team.

MAKI-BALITA: ‘Nag-unfollowan pa!’ Heart, nilayasan na raw ng glam team?