Mahigit sa 2,000 pulis ang ipakakalat sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand sa Linggo, Enero 28.

Sa isang radio interview, binanggit ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo na bukod ito sa force multipliers at standby forces.

Sa ngayon aniya, wala pang natatanggap na seryosong banta ang pulisya kaugnay ng nasabing pagtitipon.

Aniya, nakahanda na ang lahat upang magbigay ng seguridad sa mga dadalo sa naturang aktibidad.

National

Triple jackpot! 3 lotto bettors panalo sa Super Lotto 6/49, Lotto 6/42

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang event na inaasahang dadaluhan ng 200,000 sumusuporta sa administrasyon.