Usap-usapan ang pagbida ng bagong misis na si Angelica Panganiban patungkol sa bagong kotse na kanilang nabili, na aniya ay matagal na nilang inaasam-asam.

"Long overdue post after the Holiday festivities! For a family car, napusuan din namin itong Ford Everest. Safe, fun to drive, daming tech features, and perfect talaga siya para sa long drives namin from Subic to Manila and back. Best part is that enjoy din ni Bean ang kanyang time sa backseat dahil sa dami ng space niya magkulit! The Ford Everest is definitely on top of our car shopping list as this is really one of the coolest and safest cars we’ve driven. Check nyo rin kasi may P20,000 discount when you reserve a Ford Everest this month online πŸ‘Œ@fordphilippines #NextGenEverest #FordPH," aniya.

Marami sa mga netizen ang nagandahan sa bagong kotse, subalit nakita sa isang litrato at video ang plate number nito, sa kaniyang Instagram post.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

Ilang netizen ang nagbigay ng concern na dapat raw sana ay takpan ni Angge ang plate number sa larawan. Ang ilan naman, ang naging concern ay ang seatbelt sa upuan ng anak nila ni Gregg Homan na si Baby Bean.

"mhieee, concern lang po. hope you could blur your plate number next time for safety purposes."

"Yung plate no. Idol"

"Hi! πŸ‘‹ you have to tightened Bean’s seatbelt in her car seat to keep her safe 😍."

Maging ang kilalang social media personality na si Xian Gaza ay nag-react din dito.

"Kapag ipinakita ng isang artista yung uri, kulay at plate number ng sasakyan niya tapos ganyan ang caption, ibig sabihin ay hindi niya ito totoong gagamitin sa araw-araw. Sponsored post lamang ito kapalit ng ilang daang libong piso hanggang 1.5M. Depende sa kontrata," aniya.

Photo courtesy: Screenshot from Xian Gaza (FB)

Well, hindi kaya endorsement lang din ito o kung bumili man ng bagong sasakyan ang Homan family, baka naman hindi pa ito ang final na kotse o ang registered plate number?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Angelica tungkol dito.