Siyam na miyembro ng terrorist group na Dawlah Islamiya (DI) ang napatay sa engkuwentro sa Piagapo, Lanao del Sur sa nakaraang dalawang araw.

Kinumpirma ni Philippine Army (PA) Spokesperson Lt. Col. Louie Dema-ala, ang siyam na nasawi ay sangkot sa pambobomba sa Mindanao State University-Marawi noong Disyembre 3, 2023 na ikinasawi ng apat-katao.

"The Army troops were able to neutralize nine local terrorist members and recovered eight high-powered firearms,” ani Dema-ala.

Aniya, ang sagupaan sa pagitan ng mga terorista at 3rd Scout Ranger Battalion ay nagsimula sa Brgy. Taporug nitong Huwebes hanggang Biyernes na nagresulta sa pagkasawi ng siyam na terorista.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Apat na sundalo ang isinugod sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

"Our thoughts and prayers are with the four soldiers who sustained injuries during the said operation," dagdag pa ni Dema-ala.

PNA