Nasa ₱7,140,000 halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency at Caloocan City Police sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City nitong Sabado.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Raquel Macmod Ducan, taga-Barangay 175, Camarin, Caloocan City, at Ali Abdulbasit Abdullatip, taga-Upper Bicutan, J.P Rizal, Taguig City.

Sa report, ikinasa ng PDEA at pulisya ang anti-drug operation sa bahagi ng Zapote Road, kanto ng Ilang-ilang Street, Brgy. 177, Caloocan.

National

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH

Hindi na nakapalag ng dalawang suspek nang dakpin ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 1,000 gramo ng shabu at lima pang plastic sachet na naglalaman din ng shabu.

Kinumpiska rin ang isang mobile phone, iba't ibang identification cards at isang kotse, ayon pa sa pulisya.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng PDEA.