Ilang taon pa bago ang 2028 national elections, nangunguna si Education Secretary at Vice President Sara Duterte bilang presidential bet, ayon sa survey ng public opinion research firm na WR Numero.

Nitong Huwebes, inilabas ng WR Numero ang resulta ng kanilang survey na Philippine Public Opinion Monitor, na isinagawa noong November 24 hanggang Disyembre 24, 2023, kung saan mayroong 35.6% na mga Pilipino ang boboto kay Duterte sa 2028 presidential elections.

Anong posisyon? VP Sara, muling tatakbo sa susunod na eleksyon

Sinundan naman ito nina Senador Raffy Tulfo (22.5%), dating Bise Presidente Leni Robredo (9%) Senador Imee Marcos (6.9%), dating Senador Manny Pacquiao (5%), Senador Robin Padilla (5%), Senador Risa Hontiveros (1.2%), at Speaker Martin Romualdez (0.8%). Habang ang natitirang 14.3% ay mga undecided.

WR NUMERO/PR

Ang naturang survey ay isinagawa face-to-face sa 1,500 Filipino adults sa buong bansa.

Matatandaang nitong Lunes, Enero 22, bagama't hindi binanggit kung anong posisyon, kinumpirma mismo ni VP Sara na tatakbo siya sa susunod na eleksyon.

Maki-Balita: Anong posisyon? VP Sara, muling tatakbo sa susunod na eleksyon