Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang inagurasyon ng newly-rehabilitated na gusali ng Rosauro Almario Elementary School (RAES), na inaasahang pakikinabangan ng nasa 7,000 estudyante mula sa Tondo.

Kasama ni Lacuna sa nasabing ribbon-cutting ceremony sina Congressman Ernix Dionisio, Jr. (first district), City Engineer Armand Andres, Councilors Bobby Lim, Irma Alfonso, Ian Nieva, Nino dela Cruz and Marjun Isidro, division of city schools superintendent Rita Riddle, school principal Graciano Budoy at dating Mayor Isko Moreno, na produkto ng naturang paaralan.

Ayon kay Lacuna, ngayong natapos na ang rehabilitasyon sa 10-palapag ng gusali, magagamit na ng mga estudyante ang bago at modernong mga pasilidad at magkaroon ng mas mahusay at mas kaaya-ayang kapaligiran para sa pag-aaral, na maihahalintulad sa nararanasan ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan.

Sinabi ng alkalde na ang hinihiling lamang niyang kapalit nito mula sa mga estudyante, faculty members at lahat ng mga gumagamit ng paaralan, na panatilihin ang kagandahan at kaayusan ng pasilidad para mapakinabangan rin ng mga susunod pang henerasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sinabi naman ni Andres na ang bagong RAES building ay mayroong 227 silid-aralan na lahat ay fully-airconditioned, 12 opisina, bagong library, kantina, auditorium, gymnasium, dalawang outdoor basketball court na may retractable goal na convertible sa football field, dalawang roof deck outdoor sport at exercise area, walong elevator units na kayang magsakay ng tig-24 indibidwal at pitong hagdanan.

Sinabi pa ni Andres na bukod sa RAES, isinailalim rin ng city government sa rehabilitasyon ang Dr. Alejandro Albert Elementary School at Manila Science High School.