Kapansin-pansin daw ang pag-iwas ni dating Pinoy Big Brother housemate Edward Barber kay Kapamilya star Andrea Brillantes.

Sa latest episode ng Marites University nitong Huwebes, Enero 24, ibinahagi ng host na si Ambet Nabus ang nalaman niyang dahilan sa likod ng pag-iwas ni Edward sa aktres sa isang premiere night.

“Talagang parang naging escort ni Andrea si Edward. Pagpasok pa lang, pinagkaguluhan. Kasi solong dumating. Like, talagang naka-ano siya, backless ba ang tawag doon? Na likod na lang ay magkakapulmonya ka na. Sexy,” kuwento ni Ambet.

“Gentleman enough naman itong si Edward. Sinamahan niya kahit saan. Pero kapag may mga gustong magpa-picture na kunwari magkasama sila, umiiwas siya,” aniya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Kaya nagtanong daw sila: “‘Bakit?’ Kasi ‘di ba wala namang isyu or whatsoever. May program, may project or what. Nagulat na lang ang lahat noong sinabing parang as a friend na hindi na kailangang nasa ganoon kasi ibigay mo ‘yong exposure kay Andrea kung ako’t ako lang.“

Pero baka may something daw talaga. Kasi sa bawat public appearance daw ni Andrea ngayon, laging may mga nagbabantay sa aktres.

“Binabantayan sa ganito, baka magkamali ng sagot. May masabing kung ano. Kasi, alam mo, napaka-fluid ding mag-emote niyan, e. Kapag sinimulan mo ng tanong, [sagot-sagot-sagot],” saad pa ni Ambet.

Matatandaang isa si Andrea sa mga kontrobersiyal na artista sa kasalukuyan matapos nitong ma-link sa kaniyang kapuwa Kapamilya star na si Daniel Padilla. 

In fact, nauna na ring iulat sa isang programa na bantay-sarado talaga si Andrea ng mga gwardiya sa isang event na dinaluhan niya sa TV5 dahil pinagbabawalan umano siyang tanungin tungkol sa hiwalayan nina Daniel at ex-jowa nitong si Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?