Nagbigay ng pahayag ang social media personality na si Xian Gaza kaugnay sa pagkakadawit ng actress at socialite na si Heart Evangelista sa hold departure order ng dati nitong glam team.

Sa Facebook post ni Xian nitong Huwebes, Enero 25, hindi raw totoo na may hold departure order ang nasabing glam team.

“Hindi totoo na may hold departure order yung dating glam team ni Heart Evangelista. Yung Dubai visa nila ang may problema kaya sa check-in counter pa lang ng PAL ay hindi na sila inissuehan ng boarding pass,” saad ni Xian.

“Kapag wala kang boarding pass, hindi ka makakapila sa immigration counter. Kapag wala ka sa immigration counter, hindi mo malalaman kung may HDO ka ba o wala. Hindi ka rin mao-offload. Hindi totoo na pinatrabaho sila ni Heart through her husband's connections. Huwag sana tayong magpakalat ng fake news,” aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Bukod dito, ipinagmalaki pa ni Xian na malinis ang record niya sa Bureau of Immigration (BI) kaya puwedeng-puwede raw siyang maglabas-masok sa Pilipinas.

 “Kapag sinilip niyo sa database ng Bureau of Immigration yung pangalang ‘Christian Albert Soriano Gaza’, mare-realize niyo na malinis pala ang records ko at pwedeng maglabas-masok ng Pilipinas. Wala pala ako sa watchlist at wala ring hold departure order. Wala ring offload maski isa. Very clean record. Ako lang pala yung ayaw umuwi ng bansa kasi hindi ko kayang i-take risk yung napakasarap kong buhay sa abroad.”

Matatandaang naiulat ni showbiz insider Ogie Diaz mula sa kaniyang nasagap na impormasyon ang tungkol sa bagay na ito.

MAKI-BALITA: ‘Di nakalipad pa-Dubai: Heart, ginipit ba ang dating glam team?

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na anomang pahayag ang panig ni Heart upang kumpirmahin o pabulaanan ang nasabing isyu.