Hinuli ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 (Kamuning) at Department of the Interior and Local Government (DILG)-Special Project Group ang tatlong empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga plaka sa planta nito.

Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na inaresto sa plate making plant ng ahensya sa East Avenue main office nitong Huwebes ng tanghali.

Nahuli sa akto ng security guard ang tatlong suspek habang kinukuha ang limang plaka ng sasakyan.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kaagad namang humingi ng police assistance ang LTO at ipinaaresto ang tatlo nilang empleyado.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga suspek, ayon pa sa pulisya.

Habang ginagawa ang balitang ito, wala pang reaksyon si LTO chief Vigor Mendoza II hinggil sa insidente.