Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 63% na pagtaas sa mga kaso ng rabies sa bansa, simula sa kalagitnaan ng Disyembre 2023.

Ayon sa DOH, mula Disyembre  17 hanggang 31, 2023 ay nakapagtala sila ng 13 kaso ng rabies, na mas mataas mula sa walong kaso lamang na naitala kumpara sa naunang dalawang linggo ng Enero 2024.

Anang DOH, kabilang sa mga rehiyon na nakitaan nang pagtaas ng mga kaso ng rabies ay ang National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Wester Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro.

“Moreover, NCR (National Capital Region), Regions I, III, IV-A, V, VI, X, XII, and BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) showed case increases in the recent 3-4 weeks (December 17 to 31) or 1-2 weeks (January 1 to 13),” mensahe pa ng DOH, sa mga mamamahayag.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nabatid na mula Enero 1 hanggang 13, 2024 naman ay nakapagtala ang DOH ng pitong rabies cases.

Kaugnay nito, mahigpit ang paalala ng DOH sa publiko na ang rabies ay nakamamatay. "Rabies kills. Pets such as cats and dogs may carry rabies and infect their owners. Stray cats and dogs may likewise do so."

Tinukoy rin nito ang Republic Act No. 9482, o The Anti-Rabies Act of 2007, na nagmamandato sa Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry (DA-BAI) na pangunahan ang pagkontrol at pag-eradicate sa mga animal at human rabies.

Anang DOH, “The same law directs local government units (LGUs) to ensure that all dogs are properly immunized, and where there are stray dogs, to strictly enforce dog impounding activities.”

Dagdag pa nito, “Prevention is always better than cure: all cats and dogs must be vaccinated against rabies, and all animal bites must be brought to medical attention immediately.”