Usap-usapan pa rin ang pagharang sa airport at pagpigil sa dating glam team ni Kapuso Star Heart Evangelista na makalabas ng bansa patungong Dubai, UAE upang kitain si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at internationally renowned fashion designer na si Mark Bumgarner.

Naunang pumutok ang tsika sa "Showbiz Update" Ogie Diaz noong Martes, Enero 23.

“May impormasyong nakarating sa akin na ang dating glam team ni Heart Evangelista ay hindi pinasakay sa eroplano patungong Dubai,” saad ni Ogie.

“Headed by her former make-up artist Justin Louise Soriano ay patungo sanang Dubai noong January 22 at 3pm para i-meet ang internationally renowned fashion designer na si Mark Bumagrner at Miss Universe Pia Wurtzbach,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pero hindi raw sila natuloy na makasakay ng eroplano dahil sa check-in counter pa lang ay tumagal na ang glam team ng Miss Universe 2015.

Ayon pa kay Ogie: “Diumano, ang akala ng apat na members ng glam team ay na-bump off talaga sila. Pero ang tsika sa amin—na sana hindi ay…hindi ito totoo—ipinatawag sila sa immigration para ito ang magsabi na sila ay mayroong hold departure order.”

“Na-shock na lamang daw ang buong glam team sa kanilang narinig. Kaya ‘yong aming source, na isang airport personnel, ay nagtanong sa akin kung may koneksyon daw kaya ang hold departure ng glam team kay Heart Evangelista?” aniya.

Bukod pa rito, inusisa rin umano si Ogie kung sinampahan daw ba ni Heart ng kaso ang kaniyang dating glam team kaya nagkaroon ng hold departure order.

MAKI-BALITA: ‘Di nakalipad pa-Dubai: Heart, ginipit ba ang dating glam team?

Samantala, ayon naman sa ulat ng "Fashion Pulis" published nitong Huwebes, Enero 25, napag-alamang wala raw kasong nakasampa kina Soriano at Aguilar nang i-scan ang kanilang visa, at wala ring hold departure order sa dalawa mula sa bansang UAE. Sa madaling salita, wala raw malinaw na paliwanag kung bakit na-deny silang pasakayin sa eroplano at makalipad pa-Dubai.

Dahil hindi nagtagumpay sa Philippine Airlines, sinubukan daw nila sa "Etihad" ng UAE subalit hindi rin sila pinayagang sumakay, bagama't nakapag-check in sila online. Kahit daw ang road manager ni Pia ay hindi raw nakasakay o nakaalis. Ngunit kung iche-check daw sa UAE at embahada, wala ngang order o memo na hindi sila pinahihintulutang pumasok sa bansa.

Ayon pa sa source ng Fashion Pulis, posibleng ang nangyari daw sa dalawa ay tinatawag na "white label." Sa paliwanag tungkol sa white label, maaaring may nagbigay raw ng tip o impormasyon sa Immigration ng Pilipinas na hindi na umano babalik ng bansa ang dalawa.

Ngunit, wala pang patunay patungkol sa claim na ito na hindi na sila babalik sa Pilipinas matapos ang ganap nila sa Dubai.

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling misteryo ang dahilan kung bakit hindi pinayagang makalabas ng bansa sina Soriano at Aguilar. Wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Evangelista kung true bang sila raw ang dahilan nito, batay na rin sa tanong sa kaniya ni Diaz sa vlog.