Hindi tinanggap ng Land Transportation Office (LTO) ang donasyon na apat na milyong plastic card na para sana sa driver’s license.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza, ipauubaya na lamang nila ito sa Department of Transportation (DOTr) dahil kailangan pang lumikha ng guidelines bago tanggapin ang donasyong plastic cards.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Titiyakin aniya nito na walang masasabi ang publiko bago tanggapin ang donasyon.

Aniya, kahit makabuo pa ng mga alituntunin ang DOTr, kailangan pang iharap ito sa donor kung papayag ito sa mga posibleng kondisyon.

Kamakailan, isinapubliko ni Mendoza na mag-do-donate ng plastic cards ang isang accredited clinic ng LTO upang mabawasan sana ang backlog na 2.6 milyong driver's license.