Nasa pangangalaga ng "Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc." ang isang asong nagngangalang "Brownie" na umano'y inabandona ng kaniyang fur parents dahil hindi na siya maalagaan nang tama dahil abala sila sa pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay.
Isa pa, sinasabing may malaking sugat si Brownie sa kaniyang sensitibong bahagi ng kaniyang katawan. Makikita sa kaniyang kadena ang isang sulat-kamay mula sa mga nag-abandonang amo.
Ayon sa sulat, hindi na raw malaman ng dating dog owners ni Brownie ang gagawin para lamang maalagaan siya. May sakit daw ang aso at hindi na raw nila kayang ipagamot ito, kaya masakit man sa puso nila, inabandona na lamang nila si Brownie para mapulot ito ng ibang nagnanais na maging bagong fur parents niya.
"Hindi ko na alam gagawin ko para ipagamot ka.... Hindi ko alam kanino hihingi ng tulong."
"According to the letter that his owner left with him, Brownie is suffering from an illness po and they cannot afford to have him treated, not knowing where to seek help."
"We have stepped up to rescue Brownie po. Please help us with his initial vetting," saad sa caption ng Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc.
Sa latest update nila, nadala na nila sa veterinary clinic si Brownie at kumakatok sila ng tulong-pinansyal sa mga netizen para maipagamot ang aso. Anila, hinahanapan na nila ng "adoptive parents" si Brownie.
"Hi, everyone! Sorry po sa delayed response. Hinihintay pa po namin ang lahat ng lab tests results ni Brownie before posting an update po. Marami po kasi kaming new rescues sa ngayon. Naka-confine po sya sa Vetlink Veterinary Services QC since yesterday noon po."
"So far, distemper negative naman po sya. Ito rin po yung nakitang malaking wound sa private part ni Brownie. Waiting po sa results ng ibang lab tests nya. 🙏"
"He'll be up for adoption din po. Wala pa po kasi syang confirmed adopter."
Nabagbag naman ang damdamin ng mga netizen at dumagsa ng tulong para kay Brownie.
"This is so heartbreaking 🥹 Thank you Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc. Have sent a little help. Hope you find him a loving furmily soon 🙏🙏🙏."
"Brownie, we're here for you. ❤️"
"Get well brownie!"
"Get well soon brownie 🥺 madaming mag mamahal sayo. Salamat po sa nag rescue sa kanya godbless po sa inyo 🤍."
"Kahit wala na akong makain, hinding-hindi ko iiwanan ang mga alaga ko huhu. Nakakabagbag lang sa damdamin."
Sa mga nagnanais magpaabot ng tulong para kay Brownie, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa FB page ng Loved by the Gapz - Animal Rescue Inc.