Isa pang team ang inaasahang magpapakitang-gilas sa Premier Volleyball League (PVL)-All-Filipino Conference sa susunod na buwan.

Gagabayan ni coach Roger Gorayeb ang Capital1 Solar Energy sa unang sabak nito sa Araneta Coliseum sa Pebrero 10.

“Great teams take time. We hope we can create a formidable team in the next two to three years and hope we can find diverse talents around the country and create a culture to elevate our team,” pahayag ni Mandy Romero, isa sa may-ari ng team, sa pulong balitaan sa Makati nitong Huwebes, Enero 25.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Dumalo rin sa press conference ang kasamang may-ari ng team na kapatid ni Mandy na si Milka.

Aniya, nakakaintindi silang magkapatid sa kanilang mga manlalaro dahil pareho silang naging atleta. Si Mandy ay dating miyembro ng national muay thai team habang si Milka ay dating co-captain ng Ateneo football team.

"We’ve been young athletes. We have that competitive spirit," said Mandy, who is also President of Capital1 Solar Energy.

Kahit gahol naman sa panahon, nangako naman si Gorayeb na magiging palaban ang koponan.

"Mabilis lahat ng pangyayari,” pahayag ni Gorayeb.

Siyam na kampeonato ang naiuwi ni Gorayeb sa Shakey’s V-League bago ito kinuha bilang coach ng nabanggit na koponan nitong Sabado, Enero 20.

Kristel Satumbaga-Villar