Ibinahagi ng TikTok personality na si Aling Myrna ang kuwento kung bakit siya umuwi ng Pilipinas mula sa South Korea kasama ang dalawang anak at asawang Koreano.

Sa kaniyang interview kay ">Ogie Diaz, sinabi niya na bukod sa golden anniversary ng kaniyang mga magulang, gusto raw makita ng kaniyang tatay ang asawa niya, dahil aniya no’ng kasal pa nila ang huling punta nito sa Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“‘Yong tatay ko kapag laging tumatawag ‘yan, sabi niya, bago [siya] mamatay gusto niya makita ‘yong manugang niya. Tapos ako 7 years nang hindi nakauwi [ng ‘Pinas]. Kaya sabi ko sa kaniya [asawa], parang ito na lang ang regalo natin kina nanay at tatay--na makauwi,” pagbabahagi ni Aling Myrna.

“Bakit ka naiyak no’ng nabanggit mo na gustong makita ng tatay mo [‘yong asawa mo],” tanong ni Ogie.

“Kasi matanda na po ‘yong tatay ko may sakit na. Ano na po ‘yong tatay ko eh, 79. Kapag tumatawag ako doon laging sinasabi ‘kailan kayo uuwi?’ tapos 'kumusta si Minsuk,' ‘yong asawa ko. Ginawa ko ito [pag-uwi] para lang mapasaya ko rin ang tatay ko,” kuwento ng TikTok personality.

Katunayan, sumama pa nga raw sa pagsundo sa airport ang tatay niya na palagi lamang daw nasa bukid.

Isa rin daw sa mga kinakatakutan niya sa buhay ay ang mawala ang mga magulang niya.

“Yong mawala ang mga magulang ko na hindi ko na natupad ‘yong mga pangarap ko para sa kanila. Kung sa magandang buhay po, naibigay naman na po namin kasi ngayon hindi na gano’n kahirap ang buhay namin, hindi kagaya no’ng dati. Kaya sabi ko ‘yon na lang ‘yong pangarap nila na makasal sila ngayon na mag-ipon-ipon kami,” ani Aling Myrna.

Pinaghati-hatian daw nilang magkakapatid ang pagpapakasal sa kanilang mga magulang. Pati nga rin daw sa TikTok may mga nagbigay rin.

Kasalukuyan ngayong nasa bansa si Aling Myrna at naiimbitahan sa kaliwa’t kanang events, base sa kaniyang mga update sa TikTok.

Sumikat siya sa TikTok dahil sa kaniyang malutong na pagmumura.

Umabot na sa 2.2 million ang followers niya sa naturang app.