Tila mainit pa rin ang dugo ng Kapuso comedienne na si Pokwang sa ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Sa isang Instagram account kasi ni Pokwang kamakailan, nagbahagi siya ng isang video tungkol umano sa narcissists na magulang na mukhang patama sa kaniyang ex-partner. 

Matatandaang binati kamakailan ni Lee ang anak nito kay Pokwang na hindi naman nagustuhan ng huli dahil tila nagpapakitang-tao lang ang ex-partner nito.

MAKI-BALITA: Pokwang, pumalag sa komento ng netizen tungkol sa anak

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

“Hmmmmm??? i tag kona ba? 🤣😆” saad ni Pokwang sa caption ng naturang post.

Isang netizen tuloy ang nagtanong: “Mamang kelan kaba hihilom ehe”

“Kapag wala na sa lupa ng pinas yan! may padrino daw e teka lang ha! wag ganon! baka ipa tulfo ko sya kapag ganyan!” sagot naman ni Pokwang.

Umani naman ng mga reaksiyon mula sa iba pang netizens ang sagutan ng dalawa. Narito ang kanilang mga komento:

“Dali nood ako 😂😂😂👏”

“mag aabang po ako sa tulfo mamang”

“Ay mamang Akala ko napadeport na siya”

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay nagbunyi si Pokwang dahil tuluyan nang pinadedeport si Lee.

MAKI-BALITA: Lee O’Brian pinadedeport na; Pokwang, nagbunyi

Pero ayon kay Pokwang sa isang hiwalay na komento, may padrino raw ang kaniyang dating ex-partner kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis ng bansa.