Agad na humingi ng sorry ang "EAT... Bulaga!" host na si Miles Ocampo nang di-sinasadyang mauntog sa hawak na mikropono si Vic Sotto, nang masanggi naman niya ito habang kumakanta ng ilang linya mula sa kantang Hallelujah ni Bamboo.

Sa isang episode ng noontime show, sa segment na "Peraphy" noong Lunes, Enero 22, bumabanat si Miles ng lyrics mula sa kanta nang bahagyang lumapit sa kaniya si Vic.

"Sinong sawa? Sinong galit? Sumigaw ngayong gabi..."

"Oh tama, tama na..." kunwari ay awat ni Bossing.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Maya-maya, naramdaman na ni Vic ang pagtama ng ulo ng mikroponong hawak niya sa kaniyang nguso. Napatutop siya sa kaniyang bibig at makikitang nagtawanan ang mga co-host, lalo na si Allan K.

"Sorry Bossing..." sabi ni Miles.

"Nakakapanakit ka na eh," hirit na biro ni Vic.

"Sorry Bossing, sorry po..."

"Sinong galit? Ako!" natatawang sundot pa ni Vic.

Ibinahagi naman ni Miles ang video clip nito sa kaniyang Facebook account at muling nagpaabot ng sorry kay Bossing.

"Sorry po, bossing 😩😅," aniya.

Pero mukhang wala namang bad vibes sa dalawa dahil kitang-kita namang aksidente lang ang nangyari.