Bumilib ang mga netizen sa naging sagot ni Amy Perez o mas kilala bilang “Tiyang Amy” sa itinanong ng kapuwa niya “It’s Showtime” host na si Vice Ganda.
Sa isang video clip kasing ibinahagi ng “It’s Showtime” sa kanilang Facebook page noong Lunes, Enero 22, inusisa ni Vice Ganda si Amy tungkol sa sa panghihimasok ng magulang sa buhay ng anak nitong may asawa o jowa na.
“Mayroon kasing magulang na simula pa lang ‘di nila bet [‘yong asawa o jowa]. ‘Mas marami ka pang pera dyan tapos jojowain mo ‘yan. Kaya ka bang buhayin niyan? Ang laki-laki na ng kita mo ngayon dapat jumowa ka ng mas mayaman sa ‘yo, ng mas powerful sa ‘yo’. ‘Yong mayroon sila sa utak nilang buo na standard na kailangan ‘yon ang ma-meet ta’s kapag hindi na-meet hindi sila papabor,” lahad ni Vice Ganda.
Kaya bumaling siya kay Amy at nagtanong: “Tiyang kailan ba ‘yon? Bilang ina, hanggang kailan mahihinto ‘yong pangingialam sa desisyon ng anak?”
“A, doon muna tayo sa point of view na ako bilang anak. And then nanay at tatay ko tapos noong nag-asawa na ako. Natutunan ko na kapag nag-aaway kaming mag-asawa, hindi ako nagsusumbong sa mama ko. Nagsusumbong ako, sa mother-in-law ko. Kasi, siya ang nanay ng asawa ko. So, walang ibang nakakakilala sa asawa ko kundi ‘yong nanay niya,” sagot ni Amy.
“So, siya ang makakatulong sa akin kapag may problema ako sa asawa ko. Kasi kapag sinumbong ko ‘yon sa nanay ko, bati na kami ng asawa ko, baka sa susunod na pumunta ‘yong asawa ko sa bahay ng mama ko, e, baka hindi niya pagsilbihan at batuhin niya ng plato, ‘di ba?” aniya.
Dagdag pa niya: “Kasi syempre galit siya. Na-hurt ‘yong anak niya, e, ‘di ba? So it’s best—kahit boyfriend, girlfriend—it’s best that you tell ‘yong mga concerns mo at problems mo doon sa jowa mo, sa parents ng jowa mo.”
Pero kung hindi naman daw ka-close ng isang tao ang kaniyang mother-in-law dahil ayaw nito sa kaniya, kailangan daw nitong gumawa ng paraan para magustuhan lalo na kung seryoso talaga ito sa relasyon.
“E, paano kung hindi mag-work?” tanong pa ni Vice Ganda. “Nag-exert ka ng lahat ng effort pero ayaw talaga sa ‘yo kasi may ibang gusto?”
Sagot naman ni Amy: “A, ‘yon naman talaga ang medyo kailangan pa ng matinding laban ‘yon. ‘Yon talaga kailangan n’yong mag-work together as a team na sabihin mo doon sa partner mo ‘I feel na hindi ako gusto ng mommy mo. But since I love you, I will make this work. Pero kailangan tulungan mo ako’.”
Hindi napigilan ng mga studio audience na pumalakpak mula sa narinig nila kay Amy. In fact, pati ang co-host niyang si Kim Chiu ay halatang bumilib din.
Biro tuloy ni Vice Ganda: “Grabe ang palakpak ni Kim Chiu parang naranasan mo lahat ng mga pinag-uusapan.”
“Ang galing kasi ni Tiyang. Ang linaw ng pagkakapaliwanag.” natatawang sabi ni Kim.
Nagbahagi rin ng samu’t saring reaksiyon ang mga netizen hinggil sa napakinggang advice mula sa naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Makinig mga Mama's boy🤭”
“Nice advice, pero Gandang ganda Ako sa kai mimi dyan 🥰”
“Pano po yung inlaws na walang pake? 🤣 Di nga napalaki yung anak nila ng tama e. Tapos ngayong nakakaluwag yung anak nila, nagbabaka-sakali sila na magbigay anak nila. Hahahahahhaa kapal.”
“Aq din po..sa father in law aq nagsasabi ng problema nmin mag asawa.🙂🙂
“Depende sa nanay siguro pano kung bonching si lalaki syempre my nanay na hindi nakikita mali ng anak nila ang mangyayare ikaw pa magkakaissue nadagdagan pa stress mo 😄😄”
“Agreee 100%.....Louder tyang Amy! 😍”
“True po chang amy😊”