Nagbigay na ng reaksiyon ang aktor na si Joross Gamboa sa sinasabi ng mga netizen na parang siya ang "lucky charm" ng mga pelikulang nasa hanay ng "box-office" o mga tumabo sa takilya.

Sa pubmat mismo ng Balita, naglapag ng kaniyang komento si Joross patungkol dito.

Humble at simpleng sey niya, "Nagkataon lang po."

Sa panayam naman ng TV Patrol kay Joross, sinabi niyang higit pa sa suwerte, mas naniniwala siyang "blessed" siya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Mas naniniwala ako sa blessed. Blessed ako kasi napasama ako sa magagandang pelikula na tinatangkilik ng mga tao," aniya.

"I am blessed to bless other people. To touch people's lives," aniya pa.

Sa top 3 highest-grossing Filipino movie of all time kasi, kasama si Joross dito na gumanap bilang kaibigan ng isa sa mga bida kagaya ng "The Hows of Us" nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn at Alden Richards, at panghuli nga ay "Rewind" nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Lahat ng iyan ay nasa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.

Si Joross ay kasama rin sa iba pang movies ng Star Cinema na kasama sa mga may matataas na kinita gaya ng tatlong pelikula nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz (A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes a Man and a Woman) gayundin ang "Starting Over Again" nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Kaya tiyak daw na sa mga susunod na pelikula, marami pang maghahangad na mapasama si Joross dahil tila siya na nga ang nagsisilbing lucky charm.

MAKI-BALITA: Joross Gamboa, tinaguriang lucky charm sa pelikula