Red flag nga bang tanungin sa employer ang sahod sa ina-applyang trabaho?

Ibinahagi ng netizen na si Daisy Borja sa isang burado ngunit agad na nag-viral na Facebook post ang kaniyang pagkairita sa isang aplikanteng nagtanong daw sa kaniya kung paano mag-apply, ano ang requirements, at magkano ang sahod sa ina-applyan nitong trabaho.

“Sa mga mag-aapply po, huwag mo akong tanungin how to apply, ano requirements, at magkano sahod. Red flag na agad sa akin ‘yan,” ani Borja sa kaniyang post.

“Kapag mag-apply ka ng trabaho, handa dapat ang CV/resume, NBI clearance/police clearance mo. Basic documents na, hindi mo na kailangang magtanong anong kailangan dahil pare-parehas lang naman ‘yan. Huwag mo akong gawing tropa sa pagtatanong. Tandaan mo, direct hiring ito,” dagdag pa niya.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Makikita naman sa kalakip na larawan ng kaniyang post ang screenshot ng conversation nila ng isang aplikanteng nagtanong sa kaniya kung magkano ang sahod.

Base sa screenshot ng kanilang palitan ng mensahe, pinapa-send ni Borja sa aplikante ang mga dokumentong tulad ng resume, NBI clearance at police clearance.

“Magkano po salary?” reply naman ng aplikante sa kaniya.

“Wala ka pang isini-send na documents at requirements, sahod na agad tinatanong mo? Kapag ganiyang sistema ng utak mo, siguradong ‘di ka magtatagal sa lahat ng ina-applyan mo. Salamat po sir. I’m no longer interested in our conversation,” sagot naman ni Borja sa aplikante.

Ayon pa kay Borja, dapat daw pagsumikapan ng mga aplikante ang proseso ng aplikasyon at magpa-impress sa kanilang magiging boss para matanggap sila sa trabaho.

“Sa akin man o sa ibang company pa ‘yan, lahat, sinasala nila ang qualified applicant dahil hindi biro ang sahod na pinag-uusapan,” saad pa ni Borja.