Maganda man o hindi ang pasok ng bagong taon sa atin, hindi pa rin natin alam kung ano ang mangyayari sa bukas at sa mga susunod pang mga araw.
Halos patapos na ang buwan ng Enero, marami na agad tayong pinagdaanan. May mga nakaranas ng kasiyahan, kasagahanan, may nakakuha ng sagot sa panalangin; pero may iba naman ay sinubok agad ng problema, nagkasakit, at nawalan ng mahal sa buhay.
Pero sa kabila ng lahat nang ito, hindi maiaalis ang takot sa puso natin dahil, ayon nga, wala tayong alam kung ano pa ang mangyayari ngayong taon.
FAITH OVER FEAR. Kadalasan ko 'yang nababasa sa Facebook at sa Instagram. No'ng una nga walang impact sa akin 'yan pero no'ng sinubok ako ng Diyos sa isang bagay na hindi ko akalaing mangyayari, nagkaroon na ito ng kahulugan--pananampalataya sa Diyos ang dapat mangingibabaw at hindi ang takot.
Kadalasan mahalaga ring malaman kung sino ba ang unang dapat nating lapitan kapag nakararanas tayo ng mga problema.
Sino nga ba? walang iba kundi si Jesus.
Totoong nakakatakot harapin ang problema pero kung mayroon tayong malakas at matatag na FAITH o pananampalataya sa Kaniya, kaya nating harapin ang bukas gaano man kalaking problema ang naghihintay sa atin.
FAITH na kaya Niyang gawing blessings ang bawat burdens mo.
FAITH na sasamahan ka Niya sa anumang season ng buhay mo.
FAITH na hindi ka Niya bibitawan kahit na gusto mo nang bumitaw.
Sabi nga ng isang pastor, "you don't always need to know why, but you got to know the Who."
Hangga't kilala natin ang sinasamahan nating Diyos, hangga't nakakapit tayo sa Kaniya, at hangga't hindi nauubos ang pag-ibig Niya tayo ay makakabangon, dahil sa Kaniya ay may pag-asa; dahil sa Kaniya ay puwede pang sumubok, dahil sa Kaniya ay may naghihintay na magandang hinaharap, at dahil sa Kaniya ay may TAGUMPAY.
Ang panalangin ng aking puso:
Lord, I am Yours.
Lord, take over my heart.
Lord, help me to trust in You and help me to live by faith.
God bless you!
with thoughts & prayers, Chie