Nagkaroon na naman ng bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa apat pang lugar ng Occidental Mindoro.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Animal industry (BAI) at sinabing ang mga nabanggit na lugar ay kinabibilangan ng Sta. Cruz, San Jose at Rizal sa Occidental Mindoro, at Naujan, Oriental Mindoro.

Nilinaw naman ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel de Mesa, ang mga kaso ng ASF sa isla ay unang natukoy sa Oriental Mindoro noong nakaraang taon.

Probinsya

Bagong lisensyadong guro, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato

Nagsasagawa na ng depopulation at mas mahigpit na biosecurity measures ang ahensya, ayon sa opisyal.

Kaugnay nito, nanawagan din si De Mesa sa mga local government unit na magpatupad na ng kaukulang hakbang sa mga lugar na tinamaan ng sakit.