Nagbigay-pahayag si Rowena Guanzon tungkol sa pagdalo ni Pangulong Bongbong Marcos sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena kamakailan.

Nag-upload ng mahigit dalawang minutong video si Guanzon sa kaniyang X account nitong Linggo kung saan tila pinatutsadahan niya ang pangulo sa pagpunta nito sa concert gamit umano ang helicopter ng gobyerno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang kumalat at pinag-usapan sa social media ang mga video at larawan kung saan may nakitang tatlong chopper sa venue, na pinaniniwalaang karga nito ang mga VIPs, kabilang sina PBBM at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Maki-Balita: PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?

“HELicopter. H-e-l-i-c-o-p-t-e-r. Spell helicopter. Ang galing-galing niyang mag-helicopter na papunta ng concert sa Coldplay gamit ang helicopter ng gobyerno, magkano kaya ang gasolina doon?” saad ni Guanzon sa kaniyang video.

“Hindi lang ‘yon eh. ‘Yong bang ineexpect mo, syempre ‘di ba highest official ng bansa dapat nagtatrabaho. Hindi naman ‘yong nakipagsiksikan ka rin doon sa ano syempre dapat mauna ka so mag-helicopter ka.

“‘Di ba? parang ang sama naman sa panlasa ‘yon. Ang dami nang problema ng Pilipinas, nagco-concert concert presidente natin,” dagdag pa niya.

Tila pinayuhan din niya ang pangulo na dapat mag-overtime raw sa trabaho.

“Sir naman, aba’y mag-overtime naman kayo. Lagi naman kayong abroad, mag-overtime naman kayong magtrabaho. Basahin ‘yan, intidihin n’yo mga problema, proposal sa inyo,” sabi pa ni Guanzon.

Dagdag pa niya, “Talagang ano eh, HELicopter. Eh kasi nasanay ‘yan sa ano British British ‘di ba? Kaya ‘yong rock band na British hindi niya talaga matiis na hindi niya makita kasi ‘di ba nag-aral siya noon doon, may baston pa nga eh... pang ano talaga pang-British, may ano pa tall hat.”

Nabanggit din nito ang survey tungkol sa mga Pilipinong nagsasabi na sila ay mahirap.

“Sa survey nga ‘di ba? kalahati sa Pilipino sinasabing mahirap sila. Pero parang kung umarte itong opisyales parang akala mo hindi tayo mahirap na bansa eh,” patutsada ni Guanzon. “Hello? Seryosohin n’yo naman trabaho n’yo.”

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1748972438980051336

Sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa simula Disyembre 8-11, 2023, nasa 47 porsyento ng mga pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang sarili na mahirap.

Maki-Balita: 47% ng pamilyang Pinoy, ‘mahirap’ tingin sa sarili — SWS