Puwede nang isakay sa Pasig River Ferry ang mga bisikleta upang makaiwas na rin sa matinding trapiko, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), siguraduhin lamang na regular bike, folding bike, at stand up scooters ang mga ito.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Paglilinaw ng MMDA, hindi magsasakay ang Pasig River Ferry ng malalaking bike, katulad ng electric vehicles o e-bike.

Nananatiling libre ang pamasahe, ligtas, at mabilis pa ang biyahe sa Pasig River Ferry.

Magtungo lamang sa 11 na istasyon nito sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Sta. Ana, Lawton, Escolta, Hulo, Lambingan, at Quinta.

Tara na, biyahe na!