Bisikleta, puwede nang isakay sa Pasig River Ferry
Puwede nang isakay sa Pasig River Ferry ang mga bisikleta upang makaiwas na rin sa matinding trapiko, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), siguraduhin lamang na regular bike, folding bike, at stand up scooters ang mga ito.
Paglilinaw ng MMDA, hindi magsasakay ang Pasig River Ferry ng malalaking bike, katulad ng electric vehicles o e-bike.
Nananatiling libre ang pamasahe, ligtas, at mabilis pa ang biyahe sa Pasig River Ferry.
Magtungo lamang sa 11 na istasyon nito sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Sta. Ana, Lawton, Escolta, Hulo, Lambingan, at Quinta.
Tara na, biyahe na!