Usap-usapan ngayon ang halos magkakasunod na pag-anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) tungkol sa pagkapanalo ng mga mananaya sa lotto, na nag-uwi ng nakalululang cash prize na aabot sa milyon-milyong piso.
Noon lamang Martes, Enero 16, tumataginting na ₱640 milyong jackpot prize ang napanalunan ng solo bettor mula Maynila sa Super Lotto 6/49.
MAKI-BALITA: Nanalo ng ₱640M lotto jackpot prize, taga-Maynila!
Kinabukasan naman, nitong Miyerkules, Enero 17, mahigit ₱698.8 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw ang napanalunan ng solo winner.
MAKI-BALITA: Sunud-sunod na? Halos ₱700M lotto jackpot, kukubrahin ng solo winnerNgunit, ilan na nga ba ang mga tumama sa lotto sa pagpasok lamang ng taong 2024? Mayroon bang naging pagtaas ng bilang ng “masusuwerteng” lotto winners ng mahigit isang daang milyong piso na jackpot prize sa paglipas ng mga taon?
Base sa ulat ng PCSO nitong 2024, sa pangangalahati pa lamang ng buwan ng Enero ay lima na ang bilang ng naitala nilang mga tumama sa lotto.
Una na rito ang naging pagkapanalo ng tatlong bettors mula sa San Miguel, Bulacan; Pila, Laguna at Tondo, Manila na naghati sa ₱108.1 million jackpot prize sa Lotto 6/42 noong Enero 2, 2024.
Sinundan naman ito ng pagtama ng dalawang mananaya mula sa Davao at Pasig City, na naghati sa ₱121.8 million jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 noong Enero 8. Kinabukasan, Enero 9, inanunsyo ng PCSO na mayroon muling nanalo sa lotto, kung saan ang isang bettor mula sa Camiling, Tarlac daw ang nakasolo sa ₱16.8 million jackpot sa Lotto 6/42.
Sumunod naman dito ang naturang mga nanalo ng mahigit kalahating bilyon sa magkasunod ding araw noong Enero 16 at 17.
Base umano sa dating mga tala ng PCSO, mayroong hindi bababa sa average na tatlo hanggang limang lotto jackpot winners kada buwan.
Noong taong 2023, 77 ang bilang ng pagkapanalong naitala ng PCSO sa lotto, kung saan 11 dito ang “big wins” o may premyong hindi bababa sa isang daang milyon.
Kung pagbabasehan ang numero, higit na mas mataas ang naturang bilang noong 2023 kumpara sa bilang ng mga pagkapanalo sa lotto noong 2022 na nasa 60, at noong 2021 na nasa 50.
Narito ang rundown ng bilang ng mga nanalo ng mahigit isang daang milyon simula noong 2010:
Disyembre 29, 2023 – ₱571.6 million (solo bettor)
Disyembre 19, 2023 – ₱310.7 million (solo bettor)
Nobyembre 6, 2023 – ₱107.5 million (solo bettor)
Nobyembre 4, 2023 – ₱102.3 million (solo bettor)
Oktubre 15, 2023 – ₱147.4 million (solo bettor)
Setyembre 11, 2023 – ₱111 million (solo bettor)
Agosto 28, 2023 – ₱101.3 million (solo bettor)
Hunyo 30, 2023 – ₱366.7 million (solo bettor)
Mayo 12, 2023 – ₱225.2 million (solo bettor)
Marso 7, 2023 – ₱109.6 million (solo bettor)
Enero 7, 2023 – ₱142.6 million (2 bettors)
Disyembre 30, 2022 – ₱521.3 million (2 bettors)
Disyembre 23, 2022 – ₱114.3 million (solo bettor)
Oktubre 23, 2022 – ₱188.5 million (solo bettor)
Oktubre 1, 2022 – ₱236 million (433 bettors)
Agosto 5, 2022 – ₱163.4 million (solo bettor)
Hulyo 9, 2022 – ₱401.2 million (2 bettors)
Hunyo 17, 2022 – ₱103.2 million (solo bettor)
Mayo 24, 2022 – ₱100 million (solo bettor)
Enero 16, 2022 – ₱142.6 million (solo bettor)
Nobyembre 29, 2021 – ₱162.3 million (solo bettor)
Nobyembre 26, 2021 – ₱378.7 million (solo bettor)
Nobyembre 4, 2021 – ₱125.6 million (solo bettor)
Agosto 30, 2021 – ₱120 million (solo bettor)
Mayo 26, 2021 – ₱181.6 million (solo bettor)
Mayo 8, 2021 – ₱101.3 million (2 bettors)
Marso 27, 2021 – ₱298.7 million (solo bettor)
Pebrero 12, 2021 – ₱246 million (solo bettor)
Disyembre 14, 2020 – ₱166.5 million (solo bettor)
Disyembre 6, 2020 – ₱265.3 million (solo bettor)
Setyembre 23, 2020 – ₱128.3 million (solo bettor)
Oktubre 11, 2019 – ₱244.9 million (solo bettor)
Hulyo 17, 2019 – ₱113 million (solo bettor)
Mayo 27, 2019 – ₱210.7 million (solo bettor)
Mayo 21, 2019 – ₱107.2 million (solo bettor)
Mayo 12, 2019 – ₱142-million (solo bettor)
Enero 29, 2019 – ₱239 million (solo bettor)
Oktubre 14, 2018 – ₱1.18 billion (2 bettors)
Pebrero 16, 2018 – ₱331.9 million (2 bettors)
Setyembre 6, 2017 – ₱256.8 million (2 bettors)
Marso 29, 2017 – ₱286 million (3 bettors)
Agosto 1, 2016 – ₱272.8 million (solo bettor)
Hulyo 31, 2016 – ₱194.6 million (solo bettor)
Hunyo 20, 2015 – ₱274.1 million (solo bettor)
Enero 2014 – ₱155 million (solo bettor)
Nobyembre 2013 – ₱148.2 million (solo bettor)
Hulyo 2013 – ₱178.8 million (solo bettor)
Abril 2013 – ₱132 million (solo bettor)
Setyembre 20, 2012 – ₱102.9 million (solo bettor)
Setyembre 12, 2012 – ₱299.8 million (2 bettors)
Hulyo 4, 2012 – ₱163.9 million (solo bettor)
Mayo 9, 2012 – ₱136.8 million (solo bettor)
Pebrero 23, 2012 – ₱300.1 million (2 bettors)
Hunyo 1, 2011 – ₱356.5 million (solo bettor)
Nobyembre 29, 2010 – ₱741.1 million (solo bettor)
Ayon pa sa PCSO, noong Oktubre 1, 2022 nangyari ang isang makasaysayang lotto draw, kung saan 433 bettors ang tumama at naghati sa ₱236 million jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.
Samantala, inihayag din ng PCSO na sa kasaysayan din ng lotto sa bansa, napanalunan ng dalawang mananaya ang pinakamalaking jackpot prize na ₱1.18 billion para sa Ultra Lotto noong Oktubre 2018.
Sa kasalukuyan naman, kung susumahin, nasa kalagitnaan pa lamang ng unang buwan ng bagong taon ay lima na ang naitalang bilang ng pagkapanalo sa lotto.
Gaano pa kaya karami ang masuwerteng tatama at mag-uuwi ng limpak-limpak na salapi sa mga susunod na araw o buwan ng taon ito?
Ikaw, Ka-Balita, nagtataya ka rin ba sa lotto?
Kaugnay na Balita: