Nagbigay ng pahayag ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang “Pura Luka Vega” kaugnay sa nangyaring pag-aresto kay Toni Fowler.

Matatandaang sinampahan si Toni ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI noong Setyembre 2023 dahil umano sa mga malalaswa nitong content sa YouTube. 

MAKI-BALITA: Toni Fowler, nakapagpiyansa ng ₱120K matapos arestuhin

MAKI-BALITA: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

MAKI-BALITA: Toni Fowler, ‘bumoses’ sa kasong kriminal na isinampa ng socmed broadcasters

Sa X post ni Pura nitong Sabado, Enero 20, kinuwestiyon niya ang depinisyon ng moralidad at ang pag-aresto sa mga taong ipinahahayag lamang ang kanilang mga sarili.

“What is your definition of ‘morality’? Why are we going after people who are expressing themselves through their art?” saad ni Pura.

Photo courtesy: Pura Luka Vega (X)

Dagdag pa niya: “I’ve said this before and I will say it again, if you don’t like what you are seeing/hearing, then simply move on and find the ones you like.”

May dalawang netizens namang nagbigay ng reaksiyon hinggil sa naturang post ni Pura. Narito ang kanilang komento:

“True, Ma. Very subjective ang morality. What's moral to you may be immoral to others and vice versa. We can always filter naman kung ano gusto natin makita sa social media.”

“You call your act and Toni's MV an ‘art’?? Yours was BLASPHEMOUS! Hers is NUDITY. It's okay with you for kids to see these ‘arts’ you're talking about? To be fair, how about you act as one of the Muslims and pretend to be Muhammad and let's see..”

Matatandaang bukod kay Toni, isa rin si Pura sa mga kinasuhan ng naturang social media broadcaster dahil umano sa “pambabastos niya sa Panginoon”.

MAKI-BALITA: Pura Luka Vega, kinasuhan ng socmed broadcasters